Free views, likes and subscribers at YouTube. Now!
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

SP Escudero inaming siya mismo ang bumuo ng resolusyon sa pagpapalit ng liderato sa Senado

Follow
News5Everywhere

Sinabi ni Senate Pres. Chiz Escudero na mismong siya ang bumuo ng resolusyon para sa pagpapalit ng liderato sa Senado.

Aniya, may ilan siyang kasamahan sa Senado na may agamagam sa nagdaang liderato kaya Linggo palang ay nakuha na niya ang boto ng mayorya.

Nasa 15 ang kabuuang bilang ng mga senador na pumirma para suportahan siya sa pagkaSenate President, pero hindi na niya idinetalye kung sinosino sila.

Pagdiriin pa ni SP Escudero, walang kumausap sa kanya mula sa Kamara o Malacañan hinggil sa liderato at iginiit na may kanyakanyang rason ang bawat senador sa pagboto sa kanya.

“Wala namang grupo niya, grupo ko. ‘Di ba dapat iisang grupo kami sa Senado? Sinama ko pa nga ang minority eh,” saad naman niya nang tanungin tungkol sa pagiging independent ni dating SP Migz Zubiri. #News5 I via Camille Samonte

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
https://www.news5.com.ph

posted by fervorse7