Get free YouTube views, likes and subscribers
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

NAKAKABAHALA NA'TO | China unti unting sinasakop ang karagatan ng Pilipinas |

Follow
Welbizph

Paano nakamkam ng China ang West Philippine Sea


Maraming mga tao ang nagsasabi na si former President Binigno Aquino III daw ang dahilan kung bakit naangkin ng China ang mga reefs at shoals sa West Philippine Sea. Pero ano nga ba ang sinasabi ng kasaysayan?
Paano nga ba naangkin ng China ang mga parte ng West Philippine Sea? Alamin natin sa videong ito.
Pero bago yan ay huwag kakalimutang maglike at subscribe sa ating channel para laging updated ka sa ganitong klaseng video.


Nagsimula ang tinatawag nating Creeping Expansion ng China sa West Philippine Sea noong 1988.
Creeping Expansion ay ang tawag sa dahandahang pangaangkin ng teritoryo gaya ng ginagawa ng China.
Pero bago pa man nang angkin ang China sa West Philippine Sea, may ibang teritoryo na rin ng ibang mga bansa ang kanilang inangkin din.
Gaya ng mga sumusunod na teritoryo na inangkin nila ay ang Paracel Islands ng Vietnam, noong 1946 pagkatapos ng World War II.
Pangalawa ay ang natirang kalahati ng Paracel Islands, ang Crescent Group of Islands ng Vietnam pa rin noong 1974 na nagdulot ng Battle of the Paracels kung saan nagkaroon ng labanan sa pagitan ng naval forces ng Vietnam at China. Sa labanang ito ay humigit kumulang 53 Vietnamese na mga sundalo ang namatay. Humigit kumulang 18 sailors naman ang namatay sa panig ng mga Chinese.
Sunod na inangkin naman ay ang Fiery Cross Reef noong 1987 at Johnson South Reef ng mga Vietnamese noong 1988 na nagresulta ulit sa labanan sa pagitan ng China at Vietnam.
Ito ay nagresulta sa pagkamatay ng 64 Vietnamese Navy Officers. Sa China naman ay hindi malinaw kung ilan ang nasawi.

posted by Gritmereedg