YouTube magic that brings views, likes and suibscribers
Get Free YouTube Subscribers, Views and Likes

It’s Showtime May 11 2024 | Full Episode

Follow
ABS-CBN Its Showtime

Happy Mother’s Day sa mga ‘mothering’ nating Kapamilya! Ang “It’s Showtime” family, may hatid na tagospusong performances at mga exciting na sorpresa!

Isang matamis na harana ang regalo ng mga “Tawag Ng Tanghalan” champions na sina Lyka Estrella, Marielle Montellano, Rea Gen Villareal, Reiven Umali, JM dela Cerna, at JM Yosures.

But, wait, there’s more! Presenting our beautiful bisita na si Barbie Forteza! Energy ba kamo? Marami siya n’yan! Kaya’t tiyak na mas happy na naman ang ating FUNanghalian!

Ang dating minamahal ay lumisan, pero puso’y handa nang muling buksan. Para sa Mother’s Day Special ng “EXpecially For You,” kilalanin ang beautiful biyuda na si Mommy Rhina. Ang kanyang kwento ay kukurot sa inyong mga puso, lalo na sa mga ‘momshies’ na dumaranas ng pighati matapos mawalan ng katuwang sa buhay.

Kasama n’ya ang kanyang good sons na sina Nathan at Neron upang tulungan s’yang kilatisin ang tatlong matitipunong searchees.

Araw na naman ng pagsusulit! Kaya’t galingan ang pagawit upang pwesto sa ‘midterms’ ay masungkit!

For today’s “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” sumabak sa ‘prelims’ o weekly finals ang pambato ng Pangasinan State University na si Daniel Vinluan na umawit ng “Maging Sino Ka Man.”

Hindi rin umatras sa laban si Charmelle Badiola ng Ateneo De Naga University na pinatunayan ang kanyang husay sa pagkanta ng “On My Own.”

Malakas ang dating ng pambato ng Lyceum of the Philippines UniversityBatangas na si Kizner Blanco. Napasayaw ang madlang people sa pagkanta n’ya ng “Sex Bomb.”

Crystal clear voice naman ang panlaban ni Krystal Concepcion ng Luis Fe Gomez Diamantina National High School na nagpabilib sa pagkanta n’ya ng “I Believe.”

‘Lavarn na lavarn’ din sa tanghalan ang pambato ng Rizal Technological University na si Lovern Apa. Malaanghel n’yang boses ay iduduyan ka sa langit sa kanyang pagawit ng “Over The Rainbow.” S’ya ang nakakuha ng pinakamataas na marka – 94% – mula kina ‘hurado’ Ogie Alcasid, Nyoy Volante, at Mark Bautista.

#KapamilyaOnlineLive
#itsshowtime

posted by speljuje6m